Iniharap kahapon ni MPD-District Director Sr. Supt. Danilo Abarzosa ang mga suspect na sina Manuelito Cuzon, alyas "Noneng", 46; Felicito "Chito" Aurelio, 44; Roberto Flora, 41; at Armando Castro, 27.
Nabatid na bago ang pag-aresto sa mga suspect ay nakatanggap ng importasyon ang MPD Station 1 tungkol sa umanoy talamak na bentahan ng droga nina Armando at Chito malapit sa Station 1 at 2. Dahil dito, nagsagawa ng surveillance at test-buy ang SAID-SOTU at bandang alas-10 ng gabi ay isinagawa ang pagsalakay sa kanto ng Herbosa at November Sts. na hinihinalang bagsakan ng droga at nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na suspect. Nakuha sa mga suspect ang 12 pirasong plastic sachet na tumitimbang na 400 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P.5 milyon, 2 digital weighing scale at mga drug paraphernalia. Sinasabi pang arawang kumikita ang mga suspect ng P30,000-P50,000 sa pagbebenta ng bawal na gamot. (Gemma Amargo-Garcia)