^

Metro

Mayor Peewee kakasuhan

-
Dahil sa naganap na kaguluhan, pinag-aaralan ngayon ng legal department ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang pagsasampa ng kasong sedition laban kay suspended Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad at sa iba pang dating opisyal sa lungsod matapos na sumugod ang mga ito sa Pasay City Hall Office kasama ang kanilang mga supporters noong Huwebes.

Bukod sa kasong sedition, posibleng masampahan pa ng kasong usurpation of authority si Trinidad bunga ng patuloy na paggigiit niya na siya pa rin ang alkalde ng lungsod sa kabila ng ginawang pagbasura ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa kahilingan na gabayan siya sa pagbabalik niya sa puwesto.

Ayon kay Mayor Allan Panaligan, hindi sana nagkaroon ng kaguluhan kung naging bukas lamang ang isipan ng dating alkalde at mga kasamahang opisyal hinggil sa kautusang ibinaba ng tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa kanilang dismissal.

Sinabi ni Panaligan na kung may lalabas na kautusan ang Court of Appeals o Supreme Court na nagsasaad na dapat na muling maupo bilang alkalde si Trinidad, kaagad niyang iuutos ang pagsasalin ng kapangyarihan kahit na permanente na siyang itinalaga rito ng DILG.

Nilinaw ng alkalde na sa umiiral na rules of succession ng Local Government Code, siya ang legal na kapalit ng alkalde bilang numero unong konsehal ng lungsod matapos na masuspindi at tuluyang masibak ang mga nasabing opisyal.

Idinugtong pa niya na handa naman siyang makipag-usap kung ito ang hiling ng dating alkalde subalit hindi na dapat aniyang yakagin pa ni Trinidad ang kanyang mga supporters na naging sanhi ng kaguluhan.

Kaugnay nito’y nagbanta rin si Trinidad na sasampahan nila ng kasong kriminal at administratibo ang ilang mga opisyal ng pulisya na nag-utos na bombahin sila ng tubig at pagpapaluin ang kanyang mga supporters.

Kabilang sa mga kakasuhan ni Trinidad sina Senior Supt. Jaime Calungsod, Deputy Director for Operation ng Southern Police District Office (SPDO) at Senior Supt. Carlos De Sagun, deputy chief ng Pasay police na tumatayo bilang mga ground commander nang mangyari ang karahasan.

Pinag-aaralan naman ng suspended na alkalde kung isasama sa kanilang mga kakasuhan si Mayor Panaligan dahil nasa ilalim ng pangangalaga at kontrol ng alkalde ang kapulisan sa lungsod na nagsagawa ng marahas na pamamalo sa kanyang mga supporters.

Ibabatay naman ni Trinidad ang kanyang isasampang kaso sa mga ipinakita sa kanyang video footage na nanggaling pa aniya sa mga kinatawan ng US Embassy na nakasaksi sa pangyayari. (Lordeth Bonilla)

ALKALDE

CARLOS DE SAGUN

COURT OF APPEALS

DEPUTY DIRECTOR

JAIME CALUNGSOD

LOCAL GOVERNMENT CODE

LORDETH BONILLA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with