Barangay chairman sa Maynila binoga sa ulo
February 1, 2007 | 12:00am
Patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan ang isang barangay chairman ng Binondo, Maynila matapos na barilin nang malapitan sa ulo ng isang hindi nakikilalang lalaki, kamakalawa ng gabi.
Nasa kritikal pa ring kondisyon sa Metropolitan Hospital ang biktimang nakilalang si Lamberto Asayo, chairman ng Brgy. 28 Zone 2, Tondo, Maynila. Nabatid rin na kapatid ang biktima ni MPD-Station 4 Commander Supt. Jose Joya Asayo.
Sugatan din sa insidente ang barangay tanod na si Jared Alforque ng Soler St., Binondo matapos na mabaril rin ng suspect.
Inilarawan naman ang gunman na nasa gulang 35, may taas na 510 talampakan, maitim, katamtaman ang katawan at nakasuot ng t-shirt at shorts na maong.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:10 ng gabi, habang nag-uusap ang biktima at pamangkin nitong si Ryan Villodres sa tapat ng tindahan ng una sa Roman St., Binondo nang lumapit ang salarin.
Agad itong nagbunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang biktima. Sasaklolo sana ang tanod na si Alforque ngunit binaril rin ito ng suspect.
Maging si Villodres ay tinangka din nitong barilin subalit nakipagbuno ang una, nagawa namang makatakas ng suspect.
Ayon sa mga kaanak ng biktima, bago ang pamamaril ay nakatanggap na nang pagbabanta sa buhay si Lamberto. Maaari umanong may kinalaman ito sa kanyang trabaho bilang chairman at sigalot sa mga vendors sa Binondo.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa insidente. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am