^

Metro

Usisero tumalon sa 3rd floor ng paaralan, lasog

-
Patay ang isang hindi pa kilalang lalaki na umano’y adik sa pagsinghot ng rugby makaraang tumalon ito sa ikatlong palapag ng isang eskwelahan na nakatanggap ng bomb threat, kahapon ng umaga sa Pasig City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang hindi pa nakikilalang biktima na tinatayang nasa edad 35 hanggang 40-anyos, nakasuot ng maong pants at stripe na t-shirt.

Sa ulat ng Police Community Precinct (PCP) 9, naganap ang insidente sa loob ng San Miguel Elementary School na matatagpuan sa Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.

Nauna rito nakatanggap ng isang tawag ang pamunuan ng eskwelahan na mayroon umanong bombang itinanim sa loob ng paligid nito kaya nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa eskwelahan at labas pasok ang mga magulang na gustong sunduin ang kani-kanilang mga anak.

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang mga miyembro ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ng Pasig police upang hanapin ang umano’y bomba subalit wala naman silang nakita matapos ang ilang oras na paghahanap.

Dakong alas-8 ng umaga nang makita na nasa ikatlong palapag ang biktima na palakad-lakad at ilang sandali ang nakalipas ay bigla na lang itong tumalon na ikinagulat ng mga estudyante at magulang na nakasaksi ng insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na posibleng nakalusot at nakaakyat ng gusali ng eskwelahan ang biktima para makiusyoso, habang abala ang mga magulang sa pagsundo sa kani-kanilang mga anak, gayundin ang mga pulis sa paghahanap ng bomba. Maaaring ninerbiyos ito nang mabatid na may bomb threat sa gusaling kanyang pinuntahan kaya ninerbiyos at saka tumalon.

Nabatid pa sa ilang mga vendor na nagtitinda sa paligid ng eskwelahan na madalas ang biktima sa lugar na laging may bitbit ng rugby.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakakilanlan ng biktima at kung may foul play na naganap sa insidente, gayundin kung sino ang maaaring nanakot ng bomba sa paaralan. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

DAKONG

EDWIN BALASA

EXPLOSIVE AND ORDINANCE DIVISION

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with