Ali Dimaporo napugutan ng ulo
January 31, 2007 | 12:00am
Putol ang ulo ni Ali Dimaporo, kapangalan ng namayapang dating gobernador ng Lanao Del Sur, makaraang masagasaan ng commuter train, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City. Sugatan naman ang kanyang kasamang si Rey Villanda Cabral, 44, taga #103 San Guillermo St., Barangay Bayanan, ng nabanggit na lungsod makaraang mahagip din ng train at tumilapon ng ilang metro ang layo sa PNR Road, Purok 6, Barangay Alabang.
Batay sa pagsisiyasat ni PO1 Virgilio Tira ng Muntinlupa City Traffic Enforcement Unit, naganap ang trahedya dakong alas-5:30 ng madaling araw habang naglalakad sa mismong riles ng tren sa naturang lugar sina Dimaporo at Cabral. Galing umano sa Laguna patungong Maynila ang commuter train nang mahagip ang dalawa kung saan napailalim si Dimaporo, 35 na naging sanhi ng pagkaputol ng kanyang ulo at pagkakalasog-lasog ng katawan matapos itong makaladkad ng ilang metro rin ang layo. Hindi naman nakuha ng mga testigo ang body number ng commuter train na hindi na nagawang tumigil matapos ang insidente. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended