14 -anyos nagbaril sa sentido, dedo

Hinihinalang problema sa pamilya ang nag-udyok sa isang 14-anyos na binatilyo na magpakamatay matapos itong magbaril sa kanyang sarili, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Dead-on-arrival sa Mission St. Napico Brgy. Manggahan Pasig City na nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang sentido.

Batay sa ulat dakong alas -9:52 ng gabi ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima nang makarinig ang mga kaanak ng biktima ng isang putok.

Nang kanilang tunguhin ang pinanggalingan ay laking gimbal nila ng makitang nakabulagta na ang binatilyo na duguan at katabi ang 9mm na baril na ginamit sa pagpapakamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon na kinuha ng biktima ang nakatagong baril ng tiyuhing pulis at iyon ang ginamit nito sa ginawang pagpapatiwakal.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na posibleng problema sa pamilya ang dahilan ng nasabing insidente dahil hiwalay na ang mga magulang nito at may kanya-kanya ng pamilya.

Kasalukuyang pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung walang naganap na foul play sa insidente. (Edwin Balasa)

Show comments