Motorcycle gang sumalakay: 1 patay, 1 kritikal
January 30, 2007 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang lalaki, habang kritikal naman ang isa pa matapos na paulanan ng bala ng anim na mga armadong suspect na sakay sa tatlong motorsiklo na hinihinalang tumangay ng malaking halaga ng salapi, kahapon ng hapon sa Intramuros, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital ang biktimang si Frederick Agustin, habang nasa kritikal na kondisyon ang isang pang biktima na si Francis Patricio, na nagtamo ng 21 tama ng bala sa katawan.
Sa inisyal na ulat na nakalap ng Manila Police District-Tactical Operations Center, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa Gen. Luna St. Intramuros.
Nabatid na nakasakay sa loob ng isang pampasaherong jeep ang dalawang biktima nang harangin ng tatlong motorsiklo lulan ang anim na lalaki na nakasuot ng uniporme ng security guard.
Agad na pinaputukan ng mga suspect ang mga biktima at kinuha ang isang bag na dala ng mga ito bago nagsitakas. Mabilis na isinugod sa PGH ang mga biktima, gayunman agad na nasawi si Agustin.
Ayon sa pulisya, may hinala na mga empleyado ng isang foreign exchange na kompanya ang mga biktima at posibleg may dalang malaking halaga ng pera na natiktikan ng mga suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended