Sa isang pang-umagang programa sa radyo kahapon ni MMDA Chairman Bayani Fernando, ipinahayag nito, na nakipag-usap na sila kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, General Reynaldo Varilla upang hingin ang tulong ng mga pulis na kanilang kukunin para italaga sa programang Metro Guwapo ng MMDA.
Ngunit ang mga tinaguriang Guwapo Cops ay hindi magta-trapik at hindi manghuhuli ng mga traffic violator, dahil ang 2,000 traffic enforcer lamang ng MMDA ang manghuhuli ng traffic violator at ang siyang magta-traffic.
Tungkuli ng mga Guwapo Cops na hulihin ang lahat ng mga pulubi, palaboy, taong grasa, snatcher, mga nakahubad, mga nag-iinuman ng alak sa kalye, mga nagtatapon ng basura sa kalye at estero.
Sinabi ni Fernando, na ang ganitong uri ng prinsipyo ay ginamit ng dating alkalde ng New York sa Estados Unidos na si Rudolf Gullani kung kayat kilala ang New York na isa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo. (Lordeth Bonilla)