^

Metro

‘Pari’ timbog sa pekeng kasal

-
Isang nagpanggap na pari at dalawang kasamahan nito na hinihinalang miyembro ng isang sindikato na kumikilos sa Manila City Hall ang dinakip ng Manila Police District matapos na magsagawa ng pekeng kasal at manghingi ng malaking halaga ng salapi sa isang American national at Pinay na kasintahan nito.

Nakilala ang dinakip na sina Alex Sison, alyas Rev. Alex Sison, 52; Jane Ver, miyembro ng Manila City Hall Security Force at si Evangeline Sinder, 30.

Ang mga suspect ay inireklamo ng magkasintahang sina Clemente Fernandez, 62, American national; at Angela Ocot, 20.

Ayon sa reklamo ng mga biktima, nagtungo sila sa Manila City Hall noong nakalipas na Disyembre 28 para magtanong tungkol sa mga requirements sa pagpapakasal. Agad na napagtanungan ng mga ito ang duty guard na si Ver na nagdala sa kanila sa ikalimang palapag ng city hall at ipinakilala kay Rev. Alex Sison na taga-Local Civil Registrar Office umano.

Inalok umano ni Sison ang mga biktima na agad na ikakasal na walang dalang anumang dokumento. Matapos ang "kasalan" sinisingil sila ni Sison ng P12,000 ngunit P4,000 lamang ang kanilang naibigay kung saan pumayag naman ang suspect na ibigay na lamang ang balanseng P8,000 kapag kukunin na ang kanilang marriage contract.

Muli naman silang bumalik matapos ang isang linggo ngunit sinabi ni Sison na hindi pa nagagawa ang marriage contract at pinababalik na lamang sila. Nagduda ang mga biktima kaya nagtanong ang dalawa sa city hall at doon nadiskubreng hindi naman talaga ito empleyado. Dahil dito, mabilis na nagsumbong sa mga awtoridad ang dalawang biktima kung saan nadakip ang mga suspect sa inihandang entrapment operation ng pulisya. (Danilo Garcia)

ALEX SISON

ANGELA OCOT

CLEMENTE FERNANDEZ

DANILO GARCIA

EVANGELINE SINDER

JANE VER

LOCAL CIVIL REGISTRAR OFFICE

MANILA CITY HALL

SISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with