^

Metro

Umakyat sa billboard: Di makauwi ng probinsiya, ginang nagtangkang mag-suicide

-
Matapos ang halos apat na oras, nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang isang babae na nagtangkang magpakamatay nang umakyat sa billboard ng Edsa Centrum Bldg. na may taas na 100 ft. kahapon ng umaga sa Kamuning Quezon City.

Nagdulot din ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa partikular sa mismong tapat ng Quezon City Police District (QCPD-Kamuning) ang nasabing insidente bunga na rin pag-uusyoso ng mga motorista nang makitang nasa tuktok ng billboard si Adelia Delos Santos, ng Brgy. Hanubay, Calabanga, Camarines Sur.

Ayon kay Supt. Dante Narag, hepe ng QCPD- Kamuning Police Station, dakong alas-11 kamakalawa ng gabi nang dalhin sa kanila ng isang concerned citizen si delos Santos at pansamantalang iniwan dahil sa susunduin ito ng kanilang kamag-anak mula sa Bicol.

Dakong alas- 4 ng umaga ay nagpaalam umano ang biktima na kakain lang, subalit alas-6:15 ng umaga ay may nakuha silang report na nasa tuktok ng billboard, kung kaya’t agad naman silang humingi ng responde mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Special Rescue Unit at MMDA Rescue Operation Center , upang mailigtas ang biktima.

Hindi naman nag-aksaya ng oras sina SFO3 Florendino Batain; SFO1 Lyndon Yap; FO2 Florencio Asonza at FOI Antonio Santillon, ng BFP at agad inakyat at pinaligiran ang biktima, subalit inabot pa rin ng halos apat na oras ang isinagawang pakikipagnegosasyon at ganap na alas-8 ng umaga bago tuluyang ito mahawakan ni SFO3 Batain at matiyak na ang kaligtasan ng biktima.

Ayon naman kay delos Santos, gusto na niyang makauwi sa Camarines Sur subalit panay ang pangako ng kanyang mga kamag-anak na susunduin siya subalit hindi naman natutupad.

Pansamantalang dinala ang biktima sa ospital upang masuri kung may diperensiya ito sa pag-iisip. (Doris Franche)

ADELIA DELOS SANTOS

ANTONIO SANTILLON

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMARINES SUR

DANTE NARAG

DORIS FRANCHE

EDSA CENTRUM BLDG

FLORENCIO ASONZA

FLORENDINO BATAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with