^

Metro

Pulis tinukoy na suspect sa Pattugalan-slay

- Doris Franche-Borja -
Tinukoy ni Leanne Ducusin, anak ni Metropolitan Trial Court Judge Nathaniel Pattugalan na isang Alexander Rafael na nakadestino sa Police Regional Office 2 (PRO2) at ilang mga tauhan nito ang posibleng responsable sa pamamaslang sa kanyang ama noong Enero 19 sa Elliptical Road, Quezon City.

Sa nakalap na dokumento ng Pilipino Star Ngayon, ang grupo ni Rafael ang isa sa mga pumatay sa kanyang ama matapos na mag-isyu ng warrant of arrest ang kanyang ama laban sa mga ito sa kasong robbery.

Si Pattugalan ay dating hukom ng Baggao, Cagayan.

Maaaring paghihiganti ang motibo sa pagpaslang sa naturang judge.

Ayon kay Ducusin, Oktubre 2005 nang unang pagtangkaan ang buhay ng kanyang ama ng mga suspect hanggang sa napilitan itong magpalipat ng assignment.

Subalit isang text message ang kanilang natanggap noon na nagsasabing "naka-bullet proof yata si judge at hindi napuruhan".

Ang cellphone number ay pansamantalang itinago at bineberipika ng mga awtoridad.

Bukod dito, pinaghahanap din ng mga awtoridad ang isang balut vendor na sinasabing nakakita ng insidente at posibleng makapagbigay ng impormasyon sa kaso.

Nagtagumpay ang mga suspect nitong Enero 19 kung saan napatay ang naturang hukom.

ALEXANDER RAFAEL

ELLIPTICAL ROAD

ENERO

LEANNE DUCUSIN

METROPOLITAN TRIAL COURT JUDGE NATHANIEL PATTUGALAN

PILIPINO STAR NGAYON

POLICE REGIONAL OFFICE

QUEZON CITY

SI PATTUGALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with