^

Metro

Maid sinunog ang bahay, 4 kotse ng amo

-
Isang manhunt operation ang isinasagawa ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa isang  22-anyos na maid matapos siyang iturong responsable sa panununog sa bahay at apat na sasakyan ng kanyang amo, kahapon ng madaling-araw sa South Fairview, Quezon City.

Ayon kay QCPD director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, tinutugis na ng kanyang mga tauhan si Janet Albalate kaugnay sa reklamong iniharap ng amo nito na si Susan Policarpio na sumunog sa kanilang bahay at apat na sasakyan matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa ulat ni Chief Insp. Oscar Villegas, hepe ng Quezon City Fire Dept., naganap ang sunog sa No. 40 Valiant St., Samaka Subd., Brgy. South Fairview, ng nasabing lungsod dakong alas-2 ng madaling araw.

Siniguro ni Policarpio na si Albalate  ang gumawa ng panununog dahil kamakalawa dakong alas-9  ng gabi nang magwala umano ang huli matapos niya itong sawayin dahil sa pag-inom ng alak.

Nagising na lamang ang mga ito nang biglang  may sumabog sa kanilang garahe at nadiskubreng sinilaban na pala ng suspect ang apat na sasakyan na mabilis na kumalat ang apoy sa bungalow type na bahay.

Sinabi pa ni Policarpio na nagsimula umanong manilbihan sa kanila ang suspect sa halos walong taon  at hindi nila pinakitaan ng pagmamaltrato, gayunman ay naging pasaway ito at madalas ang ginagawang pag-inom ng alak. 

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na hindi naman nakadamay ng mga katabing residente. Wala ring naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Narekober sa fire scene ang ilang retaso na amoy gasolina na sinasabing ginamit umano ng suspect sa panununog. (Doris Franche) 

vuukle comment

CHIEF INSP

DORIS FRANCHE

JANET ALBALATE

MAGTANGGOL GATDULA

OSCAR VILLEGAS

POLICARPIO

QUEZON CITY

QUEZON CITY FIRE DEPT

SOUTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with