Lalaki tinodas dahil sa droga
January 23, 2007 | 12:00am
Hinihinalang droga ang dahilan ng pagkakapatay sa isang lalaki na binistay ng bala sa kahabaan ng F. Soriano St sa Pasig City kung saan nandoon ang sinalakay na shabu tiagge, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.
Ang biktima na patuloy pa ring inaalam ang pangalan ay may taas na 55 talampakan, kayumanggi ang kulay, nakasuot ng itim na sweat shirt at short pants.
Samantala naaresto naman ang isa sa tatlong suspect na nakilalang si Basare Tomara, ng Bolante II, Brgy. Pinagbuhatan ng nasabing lungsod na umanoy pumatay sa biktima matapos magsagawa ng follow-up operation ang pulisya.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa kahabaan ng F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas ng nasabing lungsod habang magkakasamang naglakad ang biktima at tatlong suspect.
Nabatid na isang hindi nagpakilalang saksi ang nakarinig ng apat na putok ng baril at nang kanyang tingnan ang pinagmulan ay nakita niya ang biktima na nakahandusay na sa kalsada.
Nakita rin niya ang mabilis na paglalakad ng tatlong suspect palayo sa biktima.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang naarestong suspect para kilalanin at ituro pa ang dalawa niyang kasamahan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended