Serye ng riot sa Tondo: 14 sugatan
January 23, 2007 | 12:00am
Bigo din ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) matapos na hindi masawata ang inaasahang sunud-sunod na riot na nagresulta sa pagkasugat ng may 14 na katao sa Tondo, Maynila na nagdiwang kamakalawa ng Kapistahan ng Sto. Niño.
Sugatan sa riot ng mga naglabang gang ng mga kabataan sa C.M Recto Avenue, Tondo ang magkapatid na Bernabe at Manuel Lascano at ang kasamahan nilang si Junior Macala.
Isa pang riot ang sumiklab din sa Concha St. ng magkalabang mga gang kung saan walong kabataan ang naiulat na nasugatan.
Binaril naman ng hindi pa matukoy na suspect ang magkapatid na sina Michael at Manuel Mahinay sa Moriones, Tondo habang kritikal sa pagamutan ang 15-anyos na si Ariel Muring sa Road 10, Moriones, Tondo.
Ang naturang karahasan ay naganap sa kabila ng ipinagmamalaking pagpapakalat ng mga pulis at mga sekreta ni MPD acting director Senior Supt. Danilo Abarzosa sa Pista ng Sto. Niño. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended