Binatilyo tinarakan sa Pistahan
January 23, 2007 | 12:00am
Isang 15-anyos na binatilyo ang pinagsasaksak ng hinihinalang matagal na nitong kagalit matapos na magdiwang ng Pista ng Sto. Niño kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Patay na nang idating sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang nakilalang si Eduardo Latinaso, isang out of school youth at residente ng 439 Herbosa St. Tondo bunsod nang tinamong saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.
Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang suspect dala ang patalim na ginamit sa krimen.
Base sa imbestigasyon ni Det. Edgardo Kho, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng madaling-araw kahapon sa kahabaan ng Herbosa St. sa Tondo.
Katatapos lamang ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño sa lugar at naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang tatlong kaibigan nang bigla na lamang lumitaw ang suspect mula sa likuran. Dito walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nakatakbo pa umano ang biktima at nakahingi ng tulong sa kanyang mga kamag-anak na siyang nagsugod sa kanya sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang suspect sa krimen gayundin ang motibo sa pamamaslang.
Ayon kay Kho, tinutunton na rin nila ang kinaroroonan ng mga kaibigan na kasama ng biktima upang maimbestigahan at makuhanan ng impormasyon na posibleng makatulong sa kaso. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended