10 katao, timbog sa drag racing
January 22, 2007 | 12:00am
Inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-La Loma Police Station ang 10 kalalakihan kabilang ang isang menor-de-edad matapos na maaktuhang nagsasagawa ng drag racing kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang mga nadakip na sina Ronaldo Rance, 25; Gilbert Jasmin, 19; Armel Gabuyo, 23; Charlie Muñoz,22; Jonathan Adriano, 29; Randy Gaucio, 21; Mark Abuloc, 24; Angelo Viray, 19; Germo John Pascual, 21; at isang 15-anyos na binatilyo at pawang mga residente ng Caloocan City.
Ayon kay SPO1 Virgilio Calaro, hepe ng Station Intelligence and Investigation Bureau ng La Loma Police, dakong alas-12:15 ng madaling- araw nang maaktuhan nilang nagda-drag racing ang mga kalalakihan sa C-3 Road, Brgy. Manresa, Quezon City.
Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ang drag racing sa lungsod na kadalasang nagiging dahilan ng sakuna at kamatayan, bukod pa sa mga reklamo ng mga residente na apektado ng drag racing.
Pinag-aaralan pa ng pulisya kung anong kaso ang isasampa laban sa mga nahuli sa drag racing. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended