Tsinoy patay sa ambush
January 22, 2007 | 12:00am
Patay ang isang negosyanteng Tsinoy nang barilin ng dalawang hindi nakikilalang suspect habang palabas ito sa nakaparada nitong sasakyan sa Binondo, Manila kahapon ng umaga.
Namatay habang ginagamot sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Lester Mancilla, 35, may-asawa, ng #802 Masangkay St., Binondo, Manila sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa dalawang di-nakilalang suspect na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at nakasuot ng sombrero.
Sa report ni Det. Rommel del Rosario ng Manila Police District (MPD), dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng YMCA Bldg sa Gandara St., Binondo, Maynla.
Bago naganap ang pamamaril, sinasabing ipinarada ng biktima ang kanyang puting Honda Civic (WSW-508) at palabas ito sa kanyang kotse nang lapitan ng dalawang suspect at walang sabi-sabing binaril sa dibdib.
Papunta sana sa YMCA Bldg. ang biktima upang maglaro ng basketball nang tambangan ng mga suspect. Matapos ang pamamaril, kaswal umanong naglakad papalayo ang mga suspect.
Masusing tinitingnan ngayon ng pulisya ang business rivalry na isa sa motibo sa pagpatay habang sinasabi rin na tiyuhin ang biktima ng isang kidnap- for-ransom.
Magsasagawa pa rin naman ng mas malawak na imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang tunay na motibo.
Kamakailan ay sinabi ni Teresita Ang-See, Chairman ng Citizen Action Against Crime (CAAC) na dumarami umano ang biktima ng kidnap-for-ransom ngayong papalapit na ang election period. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended