Proteksiyon ng pamilya Pattugalan, hiniling sa QCPD
January 22, 2007 | 12:00am
Nangangamba ang pamilya ng napatay na si Metropolitan Trial Court Judge Nathaniel Pattugalan sa kanilang seguridad na posibleng minamanmanan din ng mga suspect ang kanilang bahay sa Roosevelt Avenue, Quezon City.
Ito naman ang apela ni Lean Ducusin, reporter ng pahayagang Peoples Tonight at anak ni Judge Pattugalan matapos na ambusin ang kanyang ama noong Biyernes ng gabi sa Elliptical Road, Quezon City.
Ayon kay Ducusin, umaapela sila sa pamunuan ng QCPD na bigyan sila ng sapat na proteksiyon lalo pat posibleng alam ng mga suspect ang kanilang tirahan at ang araw-araw na routine ng kanyang ama. Aniya, hindi malayong mangyari sa kanila ang sinapit ng kanyang ama.
Pinaniniwalaang ang mga kontrobersiyal na kasong hawak ng kanyang ama ang motibo ng pamamaslang at ang pagpapalabas nito ng warrant of arrest sa isang maimpluwensiyang pamilya sa Baggao, Cagayan noong nakatalaga pa lamang ito bilang hukom sa nasabing lalawigan.
Si Pattugalan ay dalawang linggo pa lamang nakatalaga sa QCMTC matapos na hilingin sa Korte Suprema ang pagpapalipat sa kanya mula sa Baggao, Cagayan bunga na rin ng mga pagbabanta sa kanyang buhay. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended