^

Metro

2 bagets timbog - 12-anyos na lalaki ginahasa

-
Arestado ang dalawang kabataang lalaki makaraang halinhinan umanong gahasain ng mga ito ang isang 12-anyos na batang lalaki kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakakulong ngayon sa Marikina City Police ang mga suspect na sina John Lucky Sunar, 19, at isa pang 17-anyos na binatilyo makaraang ireklamo ng magulang ng biktima na itinago sa pangalang Maximo, 12, grade 6 student at residente ng Homepoint Village Brgy. Fortune ng lungsod na ito.

Sa ulat ng Womens and Children’s Desk ng Marikina police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi habang bumili sa tindahan ang biktima at madaanan ng dalawang suspect na nag-iinuman sa loob ng isang Tamaraw FX.

Tinawag umano ng mga suspect ang biktima at pinapasok sa loob ng sasakyan upang painumin ng alak hanggang sa simulang hubaran ng shorts ang biktima at gahasain sa pamamagitan ng pagpasok ng ari nito sa puwet ng huli habang pinapanood lang sila ni Sunar.

Matapos makaraos ay pinauwi na ng mga suspect ang biktima na agad namang nagsumbong sa kanyang magulang na humingi ng tulong sa barangay para arestuhin ang mga suspect.

Mariin namang itinanggi ng mga suspect ang akusasyon sa kanila ng biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARESTADO

BIKTIMA

EDWIN BALASA

HOMEPOINT VILLAGE BRGY

JOHN LUCKY SUNAR

MARIIN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MATAPOS

WOMENS AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with