Kinilala ni QCPD Anti-Carnapping chief, Insp. Angelo Nicolas ang mga suspect na sina Dennis Datus, 33, ng Brgy. Pinyahan at Jefrrey Haya, 32, ng Batasan Hills, Quezon City.
Sa report na tinanggap ni QCPD director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, isinagawa ang entrapment operation dakong alas-6 ng gabi sa panulukan ng Mo.Ignacia at Timog Ave sa Quezon City.
Isang pulis ang nagpanggap na kukuha ng drivers license at nagbabayad ng halagang P1,000 para sa mabilis na proseso nito. Agad namang dinamba ng mga awtoridad ang mga suspect sa aktong tinatanggap ang bayad.
Lumilitaw na modus operandi ng mga suspect na maglagay ng mga fixers sa Land Transportation Office at himukin ang mga aplikante na magbayad lamang ng P1,000 subalit pekeng mga lisensiya ang kanilang ibibigay.
Nanawagan naman si Gatdula sa publiko na huwag makipag-ugnayan sa mga fixers at upang matiyak na tunay ang kanilang LTO drivers license. (Doris Franche)