^

Metro

2 namemeke ng driver’s license huli

-
Nadakip ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang entrapment operation ang dalawang miyembro ng sindikato na gumagawa ng mga pekeng International at Philippine driver’s license kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni QCPD Anti-Carnapping chief, Insp. Angelo Nicolas ang mga suspect na sina Dennis Datus, 33, ng Brgy. Pinyahan at Jefrrey Haya, 32, ng Batasan Hills, Quezon City.

Sa report na tinanggap ni QCPD director Sr. Supt. Magtanggol Gatdula, isinagawa ang entrapment operation dakong alas-6 ng gabi sa panulukan ng Mo.Ignacia at Timog Ave sa Quezon City.

Isang pulis ang nagpanggap na kukuha ng driver’s license at nagbabayad ng halagang P1,000 para sa mabilis na proseso nito. Agad namang dinamba ng mga awtoridad ang mga suspect sa aktong tinatanggap ang bayad.

Lumilitaw na modus operandi ng mga suspect na maglagay ng mga fixers sa Land Transportation Office at himukin ang mga aplikante na magbayad lamang ng P1,000 subalit pekeng mga lisensiya ang kanilang ibibigay.

Nanawagan naman si Gatdula sa publiko na huwag makipag-ugnayan sa mga fixers at upang matiyak na tunay ang kanilang LTO driver’s license. (Doris Franche)

ANGELO NICOLAS

BATASAN HILLS

DENNIS DATUS

DORIS FRANCHE

JEFRREY HAYA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAGTANGGOL GATDULA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with