2 patay sa sunog
January 21, 2007 | 12:00am
Nalitson ng buhay ang isang 3-anyos na bata habang namatay sa pagamutan ang isa pang lalaki nang sumiklab ang isang sunog kahapon ng madaling-araw sa Sta. Mesa, Maynila.
Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga biktima na sina Rusty Rasonable at Lito Eustaquio, 48, kapwa residente ng Dalia St. Old Sta. Mesa, Maynila.
Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa bahay ni Eustaquio hanggang sa mabilis na kumalat sa iba pang kabahayan.
Dahil sa pagkataranta, naiwan si Rasonable ng kanyang ina habang nasusunog ang kanilang bahay samantalang nasugatan naman si Eustaquio nang mabagsakan ng malaking kahoy.
Namatay ito habang nilalapatan ng lunas sa UERM sanhi ng cardiac arrest.
Bukod dito, sugatan din si Bonifacia Ramos, 64, na nagtamo ng 3rd degree burn.
Idineklarang fireout ang sunog dakong alas-2:56 ng madaling-araw. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended