^

Metro

2 most wanted person sa CAMANAVA natimbog

-
Nalaglag na sa kamay ng mga operatiba ng District Intelligence and Investigation Division ng Northern Police District (DIID-NPD) ang dalawang most wanted persons na may mga kasong murder sa magkahiwalay na lugar sa CAMANAVA area, kahapon.

Kinilala ni NPD director Chief Supt. Pedro Tango, ang mga suspect na sina Erickson Yango, 21, binata ng #90-A Sampaloc St., Barangay Panghulo, Malabon City at Rey Escala, 27, ng Sitio Puting Bato, Navotas, Metro Manila.

Base sa report ng DIID, nagtago si Yango nang masaksak at mapatay nito ang isang April Lumabas, 24, ng 32 Narra St., Brgy. Santolan, Malabon noong Setyembre 22, 2006 sa hindi malamang kadahilanan kasama ang dalawa pang pinaghahanap na suspect na sina Roden Cruz at Junel Francisco.

Ayon kay Tango, inaresto si Yango sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Benjamin Aquino Jr., Malabon-Navotas RTC Branch 72 na may petsang Enero 17, 2007 nang makakuha ng tip ang pulisya na bumalik sa kanyang bahay ang suspect dakong alas-9 ng gabi kamakalawa matapos ang halos apat na buwang pagtatago.

Kasunod nito, natimbog naman ng tropa ni Supt. Rafael Santiago ng nasabing dibisyon ang pagdakip kay Escala na siyang itinurong pumatay sa biktimang si Raboy Seferino, residente ng Sitio Puting Bato, Navotas, Metro Manila.

Nakatulong sa pagkakadakip kay Escala ang impormasyong nakuha ni Santiago sa mga residente nang maispatan ang una na pagala-gala sa kanilang lugar matapos magtago dahil sa pagkakapaslang kay Seferino.

Inaalam pa ng pulisya kung may iba pang kaso ang mga nadakip na wanted. (Ellen Fernando)

A SAMPALOC ST.

APRIL LUMABAS

BARANGAY PANGHULO

CHIEF SUPT

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

ELLEN FERNANDO

ERICKSON YANGO

ESCALA

METRO MANILA

SITIO PUTING BATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with