2 Myanmar national, idedeport
January 20, 2007 | 12:00am
Ipatatapon ng Bureau of Immigration ang dalawang Myanmar nationals na naaresto kamakailan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nadiskubreng gumagamit ng pekeng pasaporte.
Ayon kay BI Commissioner Alipio Fernandez sina Win Naung, 25 at Hla Ayea, 26 ay kasalukuyang nakapiit sa BI Jail sa Bicutan matapos na maharang sa arrival area sa NAIA 2 Centennial Terminal.
Nabatid na nagpakita ang dalawa ng pekeng Malaysian passport na nakapangalan sa iba upang iligal na makapasok sa bansa.
Inamin naman ng dalawa na tumawid sila ng board patungong Thailand at nabili nila ang kanilang pekeng passport sa halagang US$9,000.
Idinagdag pa ng mga ito na hindi sila inisyuhan ng passport ng mga awtoridad ng Myanmar dahil na rin sa pagkakaroon ng ibang relihiyon. (Gemma Amargo-dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended