LPG sumabog: 6 sugatan
January 20, 2007 | 12:00am
Anim katao ang nasugatan makaraang sumabog ang isang tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) na ikinatupok din ng may apat na kabahayan kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.
Ginagamot pa rin sa Rizal Medical Center ang mga biktimang sina Carlos,50 at Rosita Bonto, 50 at mga apong sina Cheska 8, Ericka, 3 at dalawang manugang na sina Ivy at Lorivic Bungcay.
Nagtamo ang mga biktima ng ibat ibang paso at sugat sa katawan.
Lumilitaw sa ulat ni FO3 Victorio Tablay, naganap ang insidente dakong alas-7:25 ng gabi sa bahay ng mga biktima sa no. 81 Int. Makaturing St. Barangak, ng nabanggit ding lungsod.
Nagkaroon ng leak ang LPG na ginagamit ng mga biktima na mabilis na kumalat sa kabahayan.
Lalo pang nagpasiklab ang nag-spark na mga Christmas light hanggang sa hindi agad nakalabas ang mga biktima.
Sa kabila nito agad ding naapula ang sunog na umabot sa halos isang oras. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended