Ayon kay Pimentel na wala naman siyang nakikitang problema sa Makati City Jail at maayos naman ang naturang bilangguan pagdating sa seguridad at pasilidad bagamat pag-aaralan pa niya kung nararapat na katigan ang kahilingan ng naturang senador.
Iginiit naman ni Atty. Daniel Gutierrez, abogado ni Honasan na malabong magplanong tumakas ang kanyang kliyente dahil hanggang sa kasalukuyan ay hirap itong maglakad.
Kahapon ay ipinagpaliban din ni Pimentel ang pagdinig sa kahilingan ni Honasan na payagan siyang makalabas ng bilangguan upang makapag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Election (Comelec) para sa kanyang pagtakbo bilang senador.
Kinatigan ni Pimentel ang kahilingan ng taga-usig na bigyan sila ng lima pang araw hanggang Enero 24 upang maisumite ang kanilang kasagutan sa naturang kahilingan kayat ipinagpaliban ang pagdinig.
Ipinaliwanag ni Gutierrez na nais nilang personal na maghain ng kanyang COC si Honasan sa tanggapan ng Comelec upang hindi sila makasuhan ng teknikalidad na posibleng gawing butas laban sa kanyang kliyente sa mga susunod na hinaharap. (Lordeth Bonilla)