Kinilala ni Sr. Supt. Francisco Uyami Jr., hepe ng Pasig Police ang suspect na si Roberto Halgado, 47, alyas Tebo, kung saan nadiskubre sa pag-iingat nito ang isang logbook kung saan nakasulat ang pangalan ng mga police officials na umanoy mga protektor ng nasabing sindikato ng droga.
"May mga pangalan ng police generals at colonels sa notebook pero wala tayong katibayan na sila ay kanilang protektor," pahayag ni Uyami.
Dahil dito, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Pasig police kung talagang may partisipasyon ang mga opisyal ng pulis na nakalagay sa nasabing logbook habang hindi muna niya ito pinangalanan para hindi masira ang imbestigasyon kung ito ay tumatanggap ng payola sa nahuling umanoy shabu tiangge operator na si Amin Imam Boratong na kasalukuyang nakapiit sa National Bureau of Investigation.
Ayon kay Uyami, nagsagawa ng ilang ulit na shabu test-buy operation ang kanyang mga tauhan kay Halgado at isa pa nitong kasama na si Misaris Antonio, 48, na siyang nagbebenta ng shabu sa Brgy. Malinao nang ito ay nagpositibo ay agad na inihanda ang buy-bust. (Edwin Balasa)