^

Metro

2 ‘bata’ ni Boratong timbog sa droga

-
Arestado ang isang tulak na umano’y katiwala ng operator ng sinalakay na shabu tiangge at isa pang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ni Sr. Supt. Francisco Uyami Jr., hepe ng Pasig Police ang suspect na si Roberto Halgado, 47, alyas Tebo, kung saan nadiskubre sa pag-iingat nito ang isang logbook kung saan nakasulat ang pangalan ng mga police officials na umano’y mga protektor ng nasabing sindikato ng droga.

"May mga pangalan ng police generals at colonels sa notebook pero wala tayong katibayan na sila ay kanilang protektor," pahayag ni Uyami.

Dahil dito, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Pasig police kung talagang may partisipasyon ang mga opisyal ng pulis na nakalagay sa nasabing logbook habang hindi muna niya ito pinangalanan para hindi masira ang imbestigasyon kung ito ay tumatanggap ng payola sa nahuling umano’y shabu tiangge operator na si Amin Imam Boratong na kasalukuyang nakapiit sa National Bureau of Investigation.

Ayon kay Uyami, nagsagawa ng ilang ulit na shabu test-buy operation ang kanyang mga tauhan kay Halgado at isa pa nitong kasama na si Misaris Antonio, 48, na siyang nagbebenta ng shabu sa Brgy. Malinao nang ito ay nagpositibo ay agad na inihanda ang buy-bust. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMIN IMAM BORATONG

EDWIN BALASA

FRANCISCO UYAMI JR.

MISARIS ANTONIO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASIG CITY

PASIG POLICE

ROBERTO HALGADO

SR. SUPT

UYAMI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with