^

Metro

Customs official, 9 pa kinasuhan

-
Nagsampa na ng kasong kriminal ang National Bureau of Investigation laban sa kanang kamay ni Customs Commissioner Napoleon Morales kasama ang siyam na iba pa dahil sa pagkakasangkot sa pagpupuslit ng "hot meat".

Sa reklamong isinumite kahapon sa Department of Justice (DOJ), inakusahan sina Atty. James Enriquez, chief of staff ni Morales; Facundo Bitanga, hepe ng Auction and Cargo Disposal Division; acting warehouseman ng Sigma 7 warehousing na si Dionisio Menil; general manager ng Sigma 7 na si Romeo Fernando Jr.; Diomedes Cabaluna na warehouse supervisor; at sina Bonifacio Cruz at Pedrito Magsino na kapwa may-ari ng MC Bros. Trading and Garbage Collection and Disposal Inc. na may kagagawan sa pagpupuslit ng mga karne.

Kabilang din sa kaso si Atty. Alexander Arcilla na hepe ng Task Force Anti-Smuggling (TFAS) at mga customs examiners na sina Nanie Koh at Roger Manlangit.

Ayon sa NBI, nag-ugat ang kaso matapos masabat ng Customs Anti-Smuggling Task Force ang mahigit 100,000 kilo ng karne na mula sa Tsina noong Disyembre ng nakaraang taon na itinuturing na "hot meat" dahil sa pagtataglay ng "foot and mouth disease".

Sa halip na sunugin, ipinuslit umano ang mga hot meat at naibenta pa sa isang meat processor na nakabase sa Pampanga. Umaabot sa 25,000 kilo ang nawawala sa orihinal na bigat ng karne. May apat na 40-footer container van ang dumating sa Port of Manila noong Setyembre na idineklarang mga mackerel ngunit nang suriin ay natuklasang may kahalong karne ang apat na van sanhi upang pigilin ito sa tanggapan ng BoC. (Grace Amargo-dela Cruz)

ALEXANDER ARCILLA

AUCTION AND CARGO DISPOSAL DIVISION

BONIFACIO CRUZ

CUSTOMS ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOMEDES CABALUNA

DIONISIO MENIL

FACUNDO BITANGA

GRACE AMARGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with