^

Metro

Caloocan police chief sinibak

- Ni Ellen Fernando -
Dahil sa umano’y kabiguan na masugpo ang lumalalang krimen sa kanyang nasasakupan, sinibak kahapon sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Caloocan City na si Sr. Supt. Geronimo Reside.

Walang nagawa si Reside nang pormal na lumabas ang kautusan kahapon mula kay Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Pedro Tango na tanggal na siya sa puwesto. Epektibo kahapon ay umupo na bilang bagong Caloocan police chief si Supt. William Macavinta, PMA class ’87 at dating nakatalaga sa Kalibo, Aklan sa ilalim ng Police Regional Office 6 bilang provincial director. Wala na ring naganap na turn-over ceremony at kusa nang umalis si Reside sa kanyang tanggapan.

Bukod dito, sinabi naman ng ilang source na hindi na nasisiyahan pa ang lokal na pamahalaan sa serbisyo ni Reside.

Nabatid na ang pagkakasibak kay Reside ay bunga na rin umano ng pagtaas ng krimen sa lungsod simula nang buwagin nito ang grupo ng Station Investigation and Detective Management Bureau (SIDMB) sa pamumuno ni Sr. Supt. Napoleon Cuaton.

Sina Reside at Cuaton ay may namumuo umanong alitan matapos na ilipat ang mga tauhan ng huli nang walang kadahilanan bagaman sunud-sunod ang mga magagandang accomplishments ng SIDMB. Ito ay dahil sa kontrobersyal na kaso ng isang barangay chairman sa Valenzuela City at walo pa katao na inaresto at kinasuhan ni Cuaton dahil sa umano’y brutal na pagpatay sa anim na obrero sa isang subdibisyon sa Caloocan kamakailan.

Naging kontrobersyal ang nasabing kaso dahil sa akusasyon na may isang mataas na opisyal ang tumanggap ng "suhol" mula sa kampo ng mga akusado sanhi ng pagkaka-dismis sa kaso.

Matapos na buwagin ni Reside ang grupo ni Cuaton ay humina naman ang mga nareresolbang kaso sa liderato ni Reside partikular ang naging problema sa paglala ng kriminalidad sa Bagong Silang at Camarin sakop ng District 1.

Gayunman, itinanggi ni Reside ang akusasyon. Inamin nito na wala man lamang siyang kaalam-alam na papalitan na siya sa puwesto.

"Basta sinabihan na lang ako kahapon, (Enero 17) sa district (NPDO) na papalitan ako, pero walang pormal turn-over kaya ginawa ko umalis na lang ako," ani Reside na may sama ng loob.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CUATON

DIRECTOR CHIEF SUPT

GERONIMO RESIDE

NAPOLEON CUATON

NORTHERN POLICE DISTRICT

RESIDE

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with