Ayon sa legal counsel ni Panday na si Atty. Galileo Angeles na tinakot at pinahirapan umano siya ni Sr. Supt. Franklin Mabanag, hepe ng QCPD-Criminal Investigation Division sa tuwing magsasalita tungkol sa kaso.
Ito na rin ang nagbunsod sa kanya upang hilingin na ilipat na siya sa QC jail dahil mas ligtas umano siya rito kaysa sa QCPD-CIU. Sa katunayan, may commitment order na siya sa QC jail noong Disyembre 20 pa subalit pinipigil pa rin siya ni Mabanag.
Sinabi ni Panday na matapos na maganap ang pamamaslang kay Bersamin, tatlong ulit na rin siyang inimbitahan ng mga pulis subalit nang ikaapat na imbitasyon ay hindi na siya pinakawalan ng mga pulis.
Idinagdag pa ni Panday na wala naman siyang nalalaman sa krimen at napilitan lamang dahil sa pananakot. Subalit ayon naman kay Mabanag, matagal na sanang binawi ni Panday ang kanyang statement kung wala itong kinalaman sa kaso.
Inihahanda naman ng QCPD ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay Panday.
Matatandaan na si Bersamin ay pinatay matapos dumalo sa kasal ng pamangkin noong Disyembre 15 sa Mt. Carmel Church sa Quezon City. (Doris M. Franche)