^

Metro

Suspect sa Bersamin slay, bumaligtad

-
Inakusahan ng suspect sa Bersamin killing na si Rufino Panday ang isang mataas na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) na pinahirapan siya at tinorture kung kaya’t napilitan siyang idawit sina Abra Gov. Vicente Valera at dating Vice Mayor Freddie Dupo sa pamamaslang kay Abra Congressman Luis Bersamin noong nakaraang buwan.

Ayon sa legal counsel ni Panday na si Atty. Galileo Angeles na tinakot at pinahirapan umano siya ni Sr. Supt. Franklin Mabanag, hepe ng QCPD-Criminal Investigation Division sa tuwing magsasalita tungkol sa kaso.

Ito na rin ang nagbunsod sa kanya upang hilingin na ilipat na siya sa QC jail dahil mas ligtas umano siya rito kaysa sa QCPD-CIU. Sa katunayan, may commitment order na siya sa QC jail noong Disyembre 20 pa subalit pinipigil pa rin siya ni Mabanag.

Sinabi ni Panday na matapos na maganap ang pamamaslang kay Bersamin, tatlong ulit na rin siyang inimbitahan ng mga pulis subalit nang ikaapat na imbitasyon ay hindi na siya pinakawalan ng mga pulis.

Idinagdag pa ni Panday na wala naman siyang nalalaman sa krimen at napilitan lamang dahil sa pananakot. Subalit ayon naman kay Mabanag, matagal na sanang binawi ni Panday ang kanyang statement kung wala itong kinalaman sa kaso.

Inihahanda naman ng QCPD ang pagsasampa ng kasong perjury laban kay Panday.

Matatandaan na si Bersamin ay pinatay matapos dumalo sa kasal ng pamangkin noong Disyembre 15 sa Mt. Carmel Church sa Quezon City. (Doris M. Franche)

ABRA CONGRESSMAN LUIS BERSAMIN

ABRA GOV

BERSAMIN

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DISYEMBRE

DORIS M

FRANKLIN MABANAG

GALILEO ANGELES

MABANAG

MT. CARMEL CHURCH

PANDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with