Nakatakdang dalhin sa Department of Environment and Natural Resources-Parks and Wildlife Bureau ang sawa na namataan dakong alas-2:30 ng madaling-araw.
Sa ulat ni PO2 Marlon Rivera ng Quezon City Police District-Cubao Station 7, nakita ng mga construction worker ang sawa sa isang construction site sa nasabing compound.
Bagamat pinaniniwalaang gutom ay nahirapan pa ang ilang kalalakihan na hulihin at iahon ang sawa dahil sa sobrang lakas nito na sinasabing umahon mula sa tubig upang maghanap ng makakain. (Doris Franche)