Killer ng 2 GRO, arestado
January 16, 2007 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng Manila Police District (MPD) operatives ang suspect na walang awang pumatay sa dalawang guest relation officer sa Tondo, Maynila kamakailan.
Nakakulong ngayon sa MPD Integrated Jail ang suspect na si Jimmy Alfonso, alyas Jimboy at residente ng A.Herrera St. Bo. Obrero, Tondo, Maynila matapos na madakip sa bahay ng kanyang tiyahin sa Prime Road Subdivision Antipolo City.
Habang isinasailalim sa interogasyon, inamin naman ni Alfonso ang pagpatay kina Angie Binoya at Jemlen de Torres sa inuupahang kuwarto ng mga ito sa Cavite St. Tondo noong Enero 4.
Ayon kay Alfonso humihiram siya ng pera kay Binoya subalit tumanggi ito hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa kanyang pananaksak sa kasintahan hanggang mamatay.
Nakita naman ni de Torres na galing sa banyo ang kanyang ginawa at saka nagsisigaw. Dahil na rin sa pagkataranta agad niyang sinunggaban si de Torres at saka ginilitan sa leeg. Inamin din nito na pinutol niya ang daliri ng mga biktima upang makuha ang mga singsing.
Sasampahan naman ng kasong murder ang suspect kung saan inaalam din kung may kasabwat ito nang isagawa ang karumal-dumal na krimen. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended