Mag-utol kinatay ng mag-utol: 1 patay, 1 sugatan
January 15, 2007 | 12:00am
Patay ang isang lalaki habang nasa kritikal na kundisyon ang kapatid nito matapos na pagtulungang saksakin ng isang mag-utol matapos na magka-engkuwentro sa Malabon kamakalawa ng gabi.
Patay na nang idating sa Pagamutang Bayan sa Malabon ang biktima na kinilalang si Ronil Matias, 25, may-asawa, ng No. 6 Kagitingan St. Brgy. Muzon, Malabon City dahil sa tadtad ng tama ng saksak sa katawan habang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang nakatatandang kapatid nito na si Rodante Matias, 35, dahil sa tinamong sugat sa katawan.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspect na sina EJ at Erwin Martin na kapwa residente ng Kaunlaran St. Brgy. Muzon, nasabi ring lungsod.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO2 Benjamin Mejia, may hawak ng kaso, dakong alas-10 ng gabi nang mapadaan ang mga biktima sa Kaunlaran St. matapos na maghatid ng kanilang kaanak sa lugar nang maispatan ng mag-utol na suspect.
Dahil dito, agad na lumapit ang mga suspect sa magkapatid at kinompronta. Nang magkainitan ang magkabilang panig ay agad na bumunot ng patalim ang mga suspect saka pinagtulungang undayan ng saksak ang nasorpresang mga biktima.
Nabatid na may matagal nang alitan ang mga biktima at mga suspect at nang mag-krus ang kanilang landas ay hindi na pinalagpas pa ng mga suspect kaya inundayan na ang mga biktima. (Ellen Fernando

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended