^

Metro

Brgy. hall niratrat: 1 patay, 2 sugatan

-
Isa ang napatay samantalang dalawa pa ang malubhang nasugatan na pawang mga dating barangay official matapos silang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa loob ng barangay hall, kamakalawa ng gabi sa Maynila.

Dead-on-the-spot sa lugar ng insidente ang biktimang si Alexis Barrera, 34, ex-officer ng Brgy. 9 Zone 1 at residente ng 726 F. Herrea St., Juan Luna, Tondo, samantalang kasalukuyan namang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sina Santiago del Monte, 36; at Raul Camcre, 40, kapwa dating barangay tanod at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Edgardo Kho, dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng barangay hall ng Brgy. 9 Zone 1 District 1 P. Herrera St., Tondo.

Nabatid na katatapos lamang maghapunan ng mga biktima nang bigla na lamang pumasok ang isang hindi nakikilalang suspect at barilin si Barera sa likod ng ulo at saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Juan Luna. Bago pa tuluyang tumakas ang suspect ay muling nagpaputok ang mga ito kaya’t tinamaan sina Del Monte at Raul Camcre.

Bago ang krimen ay paikut-ikot sa lugar ang isang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaki at hinahanap ang isang Christian Peter Ong.

Nabatid na ang nasawi ay aktibong lumalaban sa lahat ng uri ng kriminalidad sa kanilang lugar kaya’t ito ang posibleng dahilan kung bakit pinaslang si Barrera. (Gemma Amargo-Garcia)

ALEXIS BARRERA

BRGY

CHRISTIAN PETER ONG

DEL MONTE

EDGARDO KHO

GEMMA AMARGO-GARCIA

HERREA ST.

HERRERA ST.

JUAN LUNA

RAUL CAMCRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with