^

Metro

Bus inspector umawat sa away, napatay

-
Isang bus inspector ang aksidenteng nabaril at napatay matapos itong umawat sa isang grupo ng mga driver at konduktor na gumulpi sa isang guwardya, samantalang isa pa rin ang malubhang nasugatan kahapon ng umaga sa isang terminal ng bus sa Muntinlupa City.

Patay na nang idating sa Alabang Medical Center sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre .38 baril ang biktimang si Rodolfo R. De Ocampo, inspector ng Saint Rose Bus Transit, taga Bo. 1, Crossing, Calamba, Laguna.

Sugatan at nilalapatan ng lunas sa nabanggit na pagamutan si Joel Cammayo, 31, konduktor ng Pandacan Bus Transport na nagtamo din ng tama ng bala sa katawan.

Sumuko naman sa pulisya ang suspect na sekyu na si Victor Cainguitan, 35, ng San Pedro, Laguna, nakatalagang guwardiya sa naturang bus terminal.

Sa imbestigasyon ni SP04 Mario Tubon Sr., ng Criminal Investigation Unit (CIU), Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong alas- 9:20 ng umaga sa Saint Rose Bus Terminal, National Road, Alabang, Muntinlupa City.

Nabatid na nag-ugat ang pamamaril nang sitahin ng guwardyang si Cainguitan si Cammayo, dahil nakaharang at nagiging sanhi ng matinding traffic sa nabanggit na lugar ang bus nito na kung saan siya ang konduktor.

Nagalit si Cammayo sa paninita ng nabanggit na guwardya, kung kaya’t nagtawag ito ng iba pang kasamahang driver at konduktor na naging dahilan upang gulpihin nila si Cainguitan.

Nagkataon naman na naroon ang biktimang si De Ocampo at inawat niya ang grupong gumugulpi kay Cainguitan, dahil dito nagpakawala ng warning shot ang naturang guwardya at aksidenteng tinamaan si De Ocampo, na naging sanhi ng kamatayan nito. Dahil si Cammayo ang pinagmulan ng gulo, binaril din ito ni Cainguitan. (Lordeth Bonilla)

ALABANG MEDICAL CENTER

BUS

CAINGUITAN

CAMMAYO

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DE OCAMPO

JOEL CAMMAYO

LORDETH BONILLA

MARIO TUBON SR.

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with