^

Metro

Gun ban sa Maynila, kasado na

-
Kasado na ang implementasyon ng "gun ban" sa lungsod ng Maynila kaugnay ng darating na halalan sa Mayo habang mas pinaigting na rin ng pulisya ang operasyon laban sa mga kriminal matapos na maaresto ang may 80 katao sa isinagawang saturation drive sa Quiapo at Tondo, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Manila Police District acting director Senior Supt. Danilo Abarzosa na mas pinaigting nila ngayon ang "Oplan Anti-Bakal" at "Oplan Sita" sa buong lungsod.

Dinagdagan pa ang dati nang nakalatag na mga checkpoints sa entry at exit points at maging ang mga vital installations sa lungsod. Mas paiigtingin naman ang pagbabantay sa mga matataong lugar laban sa mga personalidad na may dalang baril.

Ipinaalala rin ni Abarzosa sa kanyang mga tauhan na kasama rin silang mga pulis sa gun ban partikular na kung hindi naka-duty at maging ang mga sundalo.

Ang saturation drive ay isinagawa sa mga hinihinalang pugad ng mga kriminal sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz at sa Quinta Public Market sa Quiapo kung saan dinampot ang may 57 lalaki na hinihinalang nahaharap sa mga kasong kriminal.

Umabot naman sa 23 katao ang inaresto sa isinagawang operasyon sa Moriones at Smokey Mountain sa Tondo.

Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang personalidad ng mga dinampot para mabatid kung nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal sa korte. (Danilo Garcia)

DANILO ABARZOSA

DANILO GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT

OPLAN ANTI-BAKAL

OPLAN SITA

QUINTA PUBLIC MARKET

RIZAL AVENUE

SENIOR SUPT

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with