^

Metro

2 karnaper arestado

-
Minalas na masakote ang magpinsang pinaniniwalaang mga karnaper matapos na maligaw sa pagtakas at makorner sa isang dead end na lugar makaraang tangayin ang isang motorsiklo, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni Sr. Supt. Raul Petrasanta, Quezon City Police District- Baler Police Station ang mga suspect na sina Reden Tumaneng, 23, merchandizer at Asterio Segismundo, 23, waiter kapwa residente ng no. 7 Narig St. Proj. 7, Quezon City. Pinaghahanap naman ang isa pang suspect na nakilala lamang sa alyas na Weng-Weng.

Ayon sa imbestigasyon naganap ang pagnanakaw dakong alas 5:30 ng umaga habang nakaparada ang motorsiklo ng biktimang si Niño Lorenzo Montano, 25, ng no. 45 Kentucky St. Brgy. Del Monte, Quezon City.

Sinabi ni Montano na 7:30 kamakalawa ng gabi ng kanyang iparada ang kanyang motorsiklo hanggang sa marinig na lamang niya kinaumagahan na umaandar ito at hila-hila ng isang tricycle.

Mabilis na humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na agad namang humabol sa mga suspect hanggang sa makorner sa may deadend.

Nabawi sa mga suspect ang motorisklo ng biktima maging ang ginamit na tricycle ng grupo ng una. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga nadakip.

Samantala, isang karnaper din ang napatay kamakalawa ng hapon sa Quezon City nang makipagbarilan sa mga pulis, habang tinatakas ang isang Mitsubishi L-300 van na may plakang XFE-462.

Tinatayang nasa 30-35 ang edad ng suspect, maputi at katamtaman ang pangangatawan at nakasuot ng t-shirt at maong pants.

Dakong alas-5 ng hapon ng tangayin ng suspect ang sasakyan habang nakaparada sa tapat ng isang fastfood chain at magkahabulan sa Quirino Highway. Pinaghahanap naman ang dalawang kasama ng napatay na suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

ASTERIO SEGISMUNDO

BALER POLICE STATION

DEL MONTE

DORIS FRANCHE

KENTUCKY ST. BRGY

LORENZO MONTANO

MITSUBISHI L

NARIG ST. PROJ

PINAGHAHANAP

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with