Driver ng govt. vehicle sabit sa hit-and-run, tugis
January 12, 2007 | 12:00am
Isang operation ang isinasagawa ng Eastern Police District (EPD) para sa ikakakilala at ikadarakip sa driver ng isang government-owned vehicle na nag-hit and run sa isang 19-anyos na estudyante sa Pasig City.
Ayon kay SPO1 Ernesto Andes, ng Investigation and Detective Management Branch ng EPD na magpapadala sila ng pulisya sa UP Los Baños sa Laguna upang makipag-ugnayan sa pamunuan nito kung sino ang may hawak ng isang closed van na may plakang SCU-219 na nakasagasa sa biktimang si Era Grace Basco, 2nd year student sa Rizal Technological University matapos na maberipika sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO). Si Basco ay nahagip at sinagasaan pa ang kaliwang paa noong Enero 4 sa kahabaan ng F. Manalo St. sa nabanggit na lungsod.
"As soon as possible magpapadala kami ng tao sa UP Los Baños para-ma-verify kung sino ang nagmamaneho ng naturang sasakyan nang oras na maganap ang aksidente para masampahan agad ito ng kaukulang kaso", pahayag ni Andes.
Base sa statement ng mga saksi malaki ang posibilidad na lasing ang driver dahil pagewang-gewang ang takbo nito at nahagip ang biktima na noon ay naglalakad sa gilid ng gutter pauwi na sa kanilang bahay. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended