^

Metro

Babaeng ‘assassin’ ng NPA, timbog

- Danilo Garcia -
Nasakote ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 33-anyos na babae na umano’y miyembro ng New Peoples Army (NPA) na naatasang likidahin ang gobernador ng lalawigan ng Batanes, kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang nadakip na amasona na si Bisit Guero, alyas Kumander B at Ka Cita, tubong Basco, Batanes at residente ng Radium St., San Andres Bukid.

Inamin ni Guero na siya ay miyembro at hitman ng NPA sa ilalim ng Basco, Batanes Dibay Group. Ibinulgar din nito na siya ay naatasan na pumaslang kay Batanes Gov. Angelica Amante na kasalukuyang nasa Maynila.

Sa ulat ng MPD-Station 6, nadakip ng mga tauhan ng MPD-Dagonoy Police Community Precinct si Guero dakong alas-2 ng madaling araw kahapon sa panulukan ng Onyx at Dagonoy St. sa San Andres Bukid matapos na manutok ng kalibre .38 sa isang grupo ng mga lalaki na hinahamon nito ng away.

Hindi na nakapalag si Guero nang arestuhin ng mga pulis at kumpiskahin ang kanyang baril na walang kaukulang dokumento. Inihahanda na ngayon ang kasong illegal possession of firerarms at alarm and scandal laban dito. Patuloy pa rin naman ang isinasagawang interogasyon dito.

ANGELICA AMANTE

BASCO

BATANES

BATANES DIBAY GROUP

BATANES GOV

BISIT GUERO

DAGONOY POLICE COMMUNITY PRECINCT

DAGONOY ST.

GUERO

KA CITA

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with