Ayon kay NCRPO chief Director Reynaldo Varilla, lahat ng units sa buong Metro Manila kabilang ang limang distrito ng pulisya ay inatasang palakasin ang security measures upang maiwasan ang pananabotahe sa okasyon.
Inalerto rin ang puwersa ng kapulisan para mahigpit na bantayan ang mga pangunahing instalasyon na posibleng maging target ng terrorist attacks.
Sinabi ni Varilla na bagaman walang direktang banta ng terorismo sa Metro Manila ang pagtataas ng alerto ay naglalayong mapigil ang anumang banta ng pag-atake ng mga terorista na ang ibig ay ipahiya sa ibang bansa ang pamahalaan.
Habang ipinatutupad ang full alert status ay hindi pahihintulutang makapagbakasyon ang mga pulis upang mabilis ang mga ito na makapagresponde sa mga kaguluhan.
Inihayag pa ng opisyal na nagpadala ang NCRPO ng 336-man-contingent sa Cebu para tumulong sa pangangalaga sa seguridad ng mga delegado at sa venue ng okasyon. (Joy Cantos)