^

Metro

NCRPO inalerto sa pagbubukas ng ASEAN Summit

-
Isinailalim kahapon ng National Capital Region Office (NCRPO) sa full alert status ang buong puwersa nito sa Metro Manila kaugnay ng pagbubukas ng anim na araw na 12th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cebu.

Ayon kay NCRPO chief Director Reynaldo Varilla, lahat ng units sa buong Metro Manila kabilang ang limang distrito ng pulisya ay inatasang palakasin ang security measures upang maiwasan ang pananabotahe sa okasyon.

Inalerto rin ang puwersa ng kapulisan para mahigpit na bantayan ang mga pangunahing instalasyon na posibleng maging target ng terrorist attacks.

Sinabi ni Varilla na bagaman walang direktang banta ng terorismo sa Metro Manila ang pagtataas ng alerto ay naglalayong mapigil ang anumang banta ng pag-atake ng mga terorista na ang ibig ay ipahiya sa ibang bansa ang pamahalaan.

Habang ipinatutupad ang full alert status ay hindi pahihintulutang makapagbakasyon ang mga pulis upang mabilis ang mga ito na makapagresponde sa mga kaguluhan.

Inihayag pa ng opisyal na nagpadala ang NCRPO ng 336-man-contingent sa Cebu para tumulong sa pangangalaga sa seguridad ng mga delegado at sa venue ng okasyon. (Joy Cantos)

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

AYON

CEBU

DIRECTOR REYNALDO VARILLA

HABANG

INALERTO

INIHAYAG

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with