^

Metro

Government vehicle sabit sa hit and run

-
Humingi ng tulong kahapon sa media ang 19-anyos na estudyante na biktima ng hit-and-run ng isang closed van na pag-aari ng gobyerno.

Ayon sa biktimang si Era Grace Basco, 2nd year student sa Rizal Technological University at naninirahan sa Brgy. Malinao na dakong alas-9 ng gabi noong Enero 4 nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Manalo St., Pasig City.

Nabatid na pauwi na sa kanilang bahay ang biktima nang banggain ng sasakyan na minamaneho ng isang umano’y lasing na may plakang SCU-219 .

Nabatid na unang inabot ng nasabing sasakyan ang likurang bahagi ng katawan ng biktima at nang matumba ito sa semento ay sinagasaan pa ang kaliwang bahagi ng paa.

Imbes na hintuan ay parang walang nangyari at nagtuluy-tuloy pa rin ang sakay ng van, isang tricycle driver ang nagmalasakit na sundan ito para makuha ang plaka ng sasakyan na isang red plate SCU-219. Ito rin ang nagdala sa biktima sa pagamutan.

Kinabukasan ay ipina-blotter ng mga kaanak ng biktima ang pangyayari, gayunman nang beripikahin nila sa LTO Pasig ang naturang naplakahan na sasakyan ay tumanggi ang mga ito na ibigay sa pagsasabing hindi sila makapagbibigay ng impormasyon dahil government plate ang sangkot.

Sa pagsasaliksik nabatid na ang naturang plaka ay nakarehistro sa Pila, Laguna at sinasabing naka-isyu sa University of the Philippines (UP) Los Baños.

Nais mabatid ng pulisya kung sino ang gumamit ng naturang sasakyan noong oras na masangkot ito sa insidente para sa kaukulang paghaharap ng kaso.

Nanawagan din ang pamilya ng biktima kay LTO chief Reynaldo Berroya na matulungan sila na mabatid kung sino ang nagmamaneho sa naturang government vehicle na nakasagasa sa biktima. (Edwin Balasa at Angie dela Cruz)

BIKTIMA

EDWIN BALASA

ERA GRACE BASCO

LOS BA

MANALO ST.

NABATID

PASIG CITY

REYNALDO BERROYA

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with