Bading timbog sa pagpatay
January 10, 2007 | 12:00am
Dinakip ng pulisya kamakalawa sa isang follow-up operation ang isang bading na sangkot sa pagpaslang sa isang 27-anyos na dalaga dahil lamang sa sinisingil siya sa utang noong Disyembre 5, 2006.
Sa report na natanggap ni Chief Supt. Roberto Rosales, district director ng Southern Police District Office (SPDO), kinilala ang nadakip na suspect na si Ramil Secuya alyas "Babes", 26, nakatira sa #168 F.B. Harrison, Pasay City.
Si Secuya ay nadakip ng mga kagawad ng Las Piñas City Police sa isang follow-up operation kamakalawa ng gabi sa harapan ng Casino Filipino, Sucat Road, Barangay Santo Niño, Parañaque City.
Base sa record ng pulisya, Disyembre 5, 2006, sa pagitan ng alas-2 at alas-3 ng hapon, pinatay sa saksak ni Secuya ang biktimang si Maureen Pineda mismo sa tinitirhan nito sa Block 9, Lot 20, Copper St., Veraville Richmond, Brgy. Pulang Lupa 2, Las Piñas City.
Nabatid na nagalit ang suspect makaraang singilin siya ng biktima sa pagkakautang.
Napag-alaman na nagalit ang suspect sa paniningil sa kanya kung kaya pinagsasaksak niya ang biktima at saka mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am