2 inararo ng kotse, patay
January 10, 2007 | 12:00am
Dalawa katao na empleyado ng Parks Division ng Quezon City Hall ang namatay matapos na masagasaan ng isang kotse nang gitgitin ng isang bus, kahapon ng hapon sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City.
Namatay noon din ang mga biktimang sina Victoriano Dagang, 32 at Nomeriano Gernali, 35, matapos na araruhin ng kotseng minamaneho ni Dr. Adrian Enriquez, 29, ng 26 Araullo St., Mandaluyong City.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Reynaldo Patiag ng Quezon City Traffic Enforcement Office, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa tapat ng Meralco Building sa Commonwealth Avenue.
Nabatid na nagpapahinga ang mga biktima matapos na magtanggal ng mga parol sa center island nang biglang masagasaan ng kotseng minamaneho ni Enriquez na isang Toyota Corolla na may plakang TLY-261.
Sinabi naman ni Enriquez na patungo siyang Fairview nang biglang gitgitin ng isang bus hanggang sa maipit siya sa gutter at masagasaan ang mga biktima na nakahiga sa damuhan ng center island.
Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang inihahandang kaso laban kay Enriquez. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended