Ito ang sinabi ni Benjie Panday, anak ni M/Sgt. Rufino Panday sa ginanap na arraignment kahapon sa Qezon City Regional Trial Court Branch 88 na na-postpone bunsod ng pagkuwestiyon ng abogado nito kaugnay ng pag-aresto dito na illegal.
Ayon sa batang Panday, nakaranas umano ng pagpapahirap ang ama nito sa kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na di nito tinukoy ang pagkakakilanlan.
Ayon kay Atty. Galileo Angeles, illegal ang pag-aresto sa kliyente nitong si Panday kung kayat dapat na muling pag-aralan ang kaso laban dito.
Hiniling din nito kay RTC Judge Rosanna Maglaya na ilipat si Panday sa Quezon City Jail mula sa Camp Crame.
Samantala, nagsampa sa tanggapan ng Ombudsman ng kasong administratibo ang Special Operations Division-Task Force Limban ng Traffic Management Group, laban kay Abra Governor Vicente Valera.
Sa tatlong-pahinang complaint ng PNP-TMG, hiniling nito na dapat isailalim sa preventive suspension si Valera. (Angie dela Cruz at Joy Cantos)