Hold order sa 2 US Navy hiling ng pamilya ng napatay
January 10, 2007 | 12:00am
Hiniling kahapon ng pamilya sa tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) ang agarang hold departure order laban sa magkapatid na retired US Navy na suspect sa pagpatay sa isang obrero sa lungsod ng Valenzuela kamakailan.
Ang dalawang US Navy official ay kinilalang sina Edmundo, 54; at Jaime Lumabas, 60, na naninirahan sa Agapita St., Gen. T. de Leon sa lungsod. Sila ang pangunahing suspect sa pagpatay kay Crisanto Lacsamana, 31, may-asawa, ng 1291 Rosario St., Gen. T. de Leon sa lungsod sa pamamagitan ng pananaksak.
Ayon kay Fernando Lacsamana, nakakatandang kapatid ni Crisanto, kailangan nila ngayon ang tulong ng BI para mabigyan ng hustisya ang walang kabuluhang pagkamatay ng kanyang kapatid.
Naniniwala ang matandang Lacsamana na posibleng umalis ang magkapatid patungong Amerika upang takasan ang ginawa nilang pagpatay sa biktima na ang pinakaugat umano ay ang paghihiganti. Iginiit nito na ang tanging ugat ng pagpatay ay ang namuong galit ng pamiliya Lumabas sa kanila dahil sa ginawa nilang pagpapakulong sa kapatid ng mga ito na si Bing Lumabas sa kasong panggagahasa sa panganay na anak na babae ni Crisanto na nangyari apat na taon na ang nakakalipas.
Nilinaw din ni Lacsamana na nang maganap ang insidente ay hindi kasama sa gulo ang nasawing kapatid kundi umaawat lamang ito sa kaguluhang kinasasangkutan ng magkapatid ang isang grupo ng kalalakihan. Nagtataka rin ang pamilya kung bakit pinalaya ng Valenzuela Police ang magkapatid matapos dakpin gayong inirereklamo nila ito dahil sa pananaksak.
Magugunitang sinaksak ng mag-utol na US Navy si Crisanto nang mapag-initan ng mga huli ang una habang umaawat sa argumento ng mga ito at isang grupo ng kalalakihan, Sabado ng madaling-araw. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended