^

Metro

Henchman ni Gov. Valera, susuko na – QCPD

-
Nagpahiwatig na umano ng kahandaang sumuko si dating La Paz, Abra Vice Mayor Freddie Dupo matapos na ituro ng naarestong si Rufino Panday na sangkot sa pamamaslang kamakailan kay Abra Congressman Luis Bersamin.

Ito ang binigyang-diin ni Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit (QCPD-CIU) chief, Supt. Frank Mabanag kaugnay ng kanilang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Bersamin.

Ayon kay Mabanag, may natanggap umano siyang impormasyon na ang pagsuko ni Dupo ay bunsod na rin ng pangamba nito sa kanyang buhay at likidahin ng third force upang palitawing lutas na ang kaso.

Samantala, hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin ang pulisya sa pagtungo ni Abra Gov. Vicente Valera upang magbigay-linaw sa kaso matapos na masangkot ang kanyang pangalan sa pamamaslang sa kongresista.

Sinabi ng pulisya na iginagalang naman nila ang desisyon ng gobernador lalo pa’t sinasabi nito na ang kanyang pagtatago ay para na rin sa kanyang seguridad.

Gayunman, sinabi ng pulisya na mas makabubuti kung magtutungo ito sa kanilang tanggapan at sabihin ang kanyang nalalaman sa halip na magbigay ng mga pahayag sa iba’t ibang pulong-balitaan o istasyon ng telebisyon.

Matatandaan na pinatay si Bersamin matapos na dumalo sa kasal ng pamangkin sa Mt. Carmel Church sa Quezon City noong Disyembre 15. (Doris Franche)

ABRA CONGRESSMAN LUIS BERSAMIN

ABRA GOV

ABRA VICE MAYOR FREDDIE DUPO

BERSAMIN

DORIS FRANCHE

FRANK MABANAG

LA PAZ

MT. CARMEL CHURCH

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with