^

Metro

Negosyante ninakawan: GF na Hapones, ina wanted

-
Isang manhunt operation ngayon ang isinasagawa ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa mag-ina matapos na ireklamo ng negosyanteng Hapones ng kasong pagnanakaw kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Agad na inutos ni QCPD director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang paghahanap kina Jenrey Yamamoto, 18, nobya ng biktima at ina nitong si Linda nang ipagharap ng reklamo ng biktimang si Katsumosa Motohashu, 39, ng Unit 5-A El Jardin Del Presidente Condominium na matatagpuan sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Ayon kay QCPD- Kamuning Police Station 10 chief, Supt. Mario Soriano, naganap ang pagnanakaw umano ng mag-ina sa bahay ng biktima dakong alas-8 ng umaga sa mismong condominium ng una.

Nagtungo umano ang mag-ina sa condominium nng biiktima upang kamustahin ito. Subalit dahil sa nagmamadali ang biktima ay iniwan niya ang mag-ina sa kanyang condo.

Makalipas ang isang oras ay bumalik ang biktima at nagulat ang biktima nang hindi na niya dinatnan ang mag-ina at nawawala na rin ang kanyang mga pera kabilang ang 10 pirasong yen, alahas at dalawang relo. (Doris Franche)

A EL JARDIN DEL PRESIDENTE CONDOMINIUM

DORIS FRANCHE

JENREY YAMAMOTO

KAMUNING POLICE STATION

KATSUMOSA MOTOHASHU

MAGTANGGOL GATDULA

MARIO SORIANO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with